List of active policies

Name Type User consent
Participation in the project agreement Other policy Authenticated users
Research data agreement Other policy Authenticated users
Materials and data sharing agreement Other policy Authenticated users
Access to data agreement Other policy Authenticated users
Complaints and requests agreement Other policy Authenticated users
Patakaran sa pagkapribado ng website Privacy policy Authenticated users

Summary

Boluntaryo ang partisipasyon mo at malaya kang mag-withdraw sa anumang oras, nang hindi nagbibigay ng anumang dahilan, at walang anumang mga negatibong kahihinatnan.

Full policy

 


Summary

Ang data na nakolekta sa mga panayam, sesyon ng obserbasyon at focus group, o sa pamamagitan ng mga survey, ay maa-access ng mga researcher na kabahagi sa proyekto sa pilot phase na ito. Hinihiling namin sa iyong magbigay ng pahintulot na ma-access ng mga indibiduwal na ito ang mga materyales na iyon.

Full policy

 


Summary

The materials and the data you will upload on the digital platform will be accessible to those researchers, practitioners, volunteer workers and parents taking part in the project during this piloting phase. We kindly ask you to give permission for these individuals to access those materials through the platform, and to commit to not sharing data from other participants (i.e., forum posts, shared images) on external platforms.

Full policy

 


Summary

Ang mga researcher ay magkakaroon ng access sa inilaang data, na ligtas na iiimbak sa University of Milano-Bicocca at lubos na aalisan ng pagkakakilanlan sa katapusan ng proyekto. Gagamitin ang data sa mga publikasyon, ngunit aayusin para hindi ka makilala. Hihilingan ka naming kumpirmahin na alam mo ang tungkol dito.

Full policy

 


Summary

Maaari mong ipaalam ang iyong mga alalahanin o magpaabot ng reklamo mula sa loob ng platform sa pamamagitan ng pagbisita sa page ng iyong personal na profile o pag-email sa privacy@isotis.org o pagkontak sa taong namamahala sa data sa iyong bansa. Ang data processor ay ang University of Milano Bicocca, Italy at ang pangunahing contact ay si Dr. Andrea Mangiatordi:

Andrea Mangiatordi

andrea.mangiatordi@unimib.it

University of Milano Bicocca

Piazza dell’Ateneo Nuovo, 1

20126 Milano

Tel. 0039 02 64484923

Ang bawat kapartner na organisasyon ay kumikilos bilang controller ng nakolektang data sa sarili nitong bansa, at ang mga taong maaaring kontakin para sa mga bansang iyon ay nakalista sa ibaba:

Universiteit Utrecht: Paul Leseman (P.P.M.Leseman@uu.nl); at data protection officer Artan Jacquet (R.A.Jacquet@uu.nl).

Hellenic Open University: Konstantinos Petrogiannis (kpetrogiannis@eap.gr); at data protection officer (dpo@eap.gr).

Masarykova University: Karel Pančocha (pancocha@ped.muni.cz).

Paris XII Val De Marne University: Jacques-Olivier Adam (jacques-olivier.adam@u-pec.fr)

International Step By Step Association: Ning Alfrink (nalfrink@issa.nl).

Full policy



Summary


Ang website na ito ay pinatatakbo ng ISOTIS PROJECT at naka-host, pinamamahalaan at kinokontrol sa University of Milano Bicocca, Italy. Lubusan naming sineseryoso ang pagkapribado mo at samakatuwid ay hinihikayat kang maingat na basahin ang patakarang ito sa pagkapribado dahil naglalaman ito ng mahalagang impormasyon tungkol sa:

●      kung sino kami,

●      kung paano at bakit namin kinokolekta, iniimbak, ginagamit at ibinabahagi ang personal na impormasyon,

●      mga karapatan mo kaugnay ng personal mong impormasyon, at

●      paano kami kokontakin at gayundin ang mga namamahalang awtoridad sakaling may reklamo ka.

Sa paggamit ng aming website, sumasang-ayon ka sa mga kundisyong ito ng Patakaran sa Pagkapribado.



Full policy

Sino kami

Ang mga kasosyo ng ISOTIS PROJECT ('kami' o 'tayo', na nakalista sa http://www.isotis.org/consortium/partner-institutions/) ay kumukolekta, gumagamit at responsable sa ilang personal na impormasyon tungkol sa iyo. Ang data controller ay ang University of Milano Bicocca, Italy at ang pangunahing taong kaugnay ay si Dr. Andrea Mangiatordi. Sumasailalim kami sa regulasyon ng General Data Protection Regulation (GDPR-EU) 2016/679,na inilalapat sa buong European Union (kabilang ang United Kingdom) at responsable kami bilang 'controller' ng personal na impormasyong iyon para sa layunin ng mga batas na iyon.


Anong personal na impormasyon ang aming kinokolekta at ginagamit

a) Personal na impormasyong ibinibigay mo sa amin

Kapag ginawa mo ang iyong personal na account sa aming website, o kapag lumahok ka sa mga pang-edukasyong aktibidad sa website, bibigyan mo kami ng sumusunod na personal na impormasyon:

- Kung ikaw ay adultong kalahok (magulang o guro): ang iyong pangalan (hindi mandatoryo), iyong email address, ang bansang tinitirhan mo

- Kung kinatawan ka ng isang estudyante (bilang magulang, legal na tagapag-alaga o ibang responsableng tao): ang bansang tinitirhan ng estudyante

Ang mga ganitong klase ng impormasyon ay kinokolekta sa mga sumusunod na dahilan:

Pangalan: para makilala namin o ng mga ibang user
Bansa: para sa mga layunin ng research
Email (tangi lamang kung ikaw ay isang adultong kalahok): para sa mga layunin ng komunikasyon o sa pagmementina ng iyong account (hal., para ma-recover ang password)
Tungkulin (guro, magulang…): para sa mga layunin ng research at pagtatalaga sa mga tamang pangkat sa loob ng platform

Sa punto ng pagkuha ng impormasyon mula sa iyo, aabisuhan ka namin kung hihilingan ka naming ibigay sa amin ang impormasyon.

Kasama sa ilang halimbawa kung kailan namin kukunin ang impormasyong ito ay:

● sa paglikha ng iyong personal na account

● sa paglahok sa mga pang-edukasyong aktibidad


b) Sensitibong personal na impormasyon

Kabilang sa sensitibong personal na impormasyon ang anumang impormasyong kaugnay ng sumusunod (narito ang mga halimbawa ng impormasyon na maaaring maugnay sa mga aktibidad na ipinanukala rito):

ang iyong etnikong pinagmulan
ang iyong mga relihiyosong paniniwala
ang iyong pisikal o mental na kalusugan o kundisyon
ang iyong seksuwal na oryentasyon

Walang sensitibong personal na impormasyon ang direktang hihingin sa pagpaparehistro sa website. Gayunman, maaaring kumuha ng sensitibong personal na impormasyon kapag lumahok ka sa mga talakayan o aktibidad sa platform. Kabilang dito, halimbawa, ang impormasyong kaugnay ng iyong mga etnikong pinagmulan, ang iyong mga relihiyosong paniniwala o ang iyong pisikal o mental na kalusugan at kundisyon. Kinukuha namin ang impormasyong ito para lamang sa mga layunin ng research.

Ang mga halimbawa ng mga potensiyal na sitwasyon kung saan ang sensitibong personal na impormasyon ay maaaring maugnay sa mga aktibidad:

● ang mga kalahok ay maaaring pakuwentuhin tungkol sa karaniwan nilang araw, ang kapaligiran nila sa tahanan at kanilang mga pamilya, ang mga tradisyong pinahahalagahan nila: maaaring dahil dito ay mabanggit nila ang ilan sa data na nakalista sa itaas;

● maaaring ipa-upload sa mga bata ang mga drawing nila, na maaaring magsiwalat ng mga antas ng pisikal o intelektuwal na kapansanan.

Paano namin ginagamit ang iyong personal na impormasyon

Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa mga user namin para sa mga sumusunod na layunin:

● pagsasagawa ng research sa aktibidad mo sa loob ng platform, para suriin kung ang mga panukalang aktibidad ay episyente, mauunawaan at nakakaudyok ng pag-iisip;

● pag-uulat at siyentipikong panunulat, kabilang ang mga presentasyon sa mga conference; ang lahat ng akademikong publikasyon ay ililista sa website ng ISOTIS (www.isotis.org).

Hindi ililipat ang data sa labas ng European Union, at walang ikatlong-partido ang magkakaroon ng access sa iyong personal na impormasyon. Ang data tungkol sa iyo ay hindi gagamitin para ipasok sa mga sistemang awtomatikong nagpapasya (ibig sabihin, walang rekomendasyon ng karagdagang content o serbisyo batay sa iyong pagkilos o kaugalian).


Kung hihilingin namin sa iyong magbigay ng personal na impormasyon, at kung gayon, bakit

Ang pagbibigay ng sumusunod na impormasyon ay kakailanganin mula sa iyo:

Kung ikaw ay adultong kalahok (isang magulang o guro): pangalan (hindi mandatoryo), email address, bansa, tungkulin (magulang o guro)

Kung ikaw ang kinatawan ng isang estudyante (bilang magulang o ibang responsableng tao): bansa ng estudyante

Ito ay para magawa namin ang sumusunod:

Pangalan: para makilala namin o ng mga ibang user (hal., guro, ibang mga estudyante)
Bansa: para sa mga layunin ng research
Email (kapag ikaw ay adultong kalahok): para sa layunin ng komunikasyon o para sa pagmementina ng iyong account (hal., para mabawi ang password)
Tungkulin (guro, magulang…): para sa mga layunin ng research at para sa pagtatalaga sa mga tamang pangkat sa loob ng platform

Sa punto ng pagkuha ng impormasyon mula sa iyo, aabisuhan ka namin kung hihilingan ka naming ibigay sa amin ang impormasyon.


Gaano katagal itatabi ang impormasyon

Hahawakan namin ang personal mong impormasyon para sa mga sumusunod na panahon:

Ang raw data, na nangangahulugang data na kinuha mula sa mga user ng website na hindi pa naproseso, ay iiimbak sa mga ligtas na server na nasa University of Milano-Bicocca, Italy at sasailalim sa proseso ng pseudonymization. Sa prosesong ito, aalisin o ie-encrypt namin ang impormasyong personal na nakapagpapakilala upang ang mga taong inilalarawan ng data ay mananatiling anonymous. Ang proseso ng pagtanggal ng pagkakakilanlan ay magaganap sa lalong madaling panahon at ang raw data ay ilalagay sa University of Milano-Bicocca, Italy hanggang sa anim na buwang panahon makalipas ang pagtatapos ng proyekto at pagkatapos ay tatanggalin. Ang anonymous na research data (walang makikilalang impormasyon) ay ililipat sa mga ligtas na server na nasa Utrecht University, sa Netherlands, at iiwan doon sa 10 taong yugto ng panahon.

Ang mga panahon ng pag-iimbak ng data ay hindi mas matagal pa sa kailangang haba para sa mga layunin ng research.


Ang mga dahilan kung bakit makokolekta namin at magagamit ang iyong personal na impormasyon

Umaasa kami sa pormularyo ng Pahintulot bilang legal na batayan kung saan namin kokolektahin at gagamitin ang iyong personal na impormasyon.

Ang batayan kung saan namin ipoproseso ang sensitibo mong impormasyon (ibig sabihin, espesyal na kategorya tulad ng sa GDPR) ay na ang pagproseso ay kailangan upang ipakita ang pagiging aktuwal at kawastuan ng mga napag-alaman sa research na isinagawa ng proyekto.


Pagpapanatiling ligtas ng iyong impormasyon

Mayroon kaming mga nakatalagang pamamaraang pangseguridad upang maiwasan na aksidenteng mawala o magamit o ma-access ang personal na impormasyon nang walang awtorisasyon. Nililimita namin ang access sa iyong personal na impormasyon sa mga may tunay na pangangailangang malaman ito. Ang mga magpoproseso ng impormasyon mo ay magsasagawa nito tangi lamang sa awtorisadong paraan at sasailalim sa tungkulin ng pagiging kumpidensiyal.

Gagamit din kami ng mga pamamaraan sa teknolohiya at pang-organisasyon para panatilihing ligtas ang impormasyon mo. Maaring kasama sa mga pamamaraang ito ang mga sumusunod na halimbawa:

Ang access sa account ng user ay kontrolado ng bukod-tanging username at password; lahat ng data ay iiimbak sa mga ligtas na server; ang mga password ay iiimbak sa encrypted na anyo; ang mga user ay hihilingang gumawa ng sarili nilang password pagkatapos ng unang beses nilang pag-login.

May mga nakatalaga rin kaming mga pamamaraan para mapamahalaan ang anumang pinaghihinalaang paglabag sa seguridad ng data. Aabisuhan ka namin at sinumang angkop na regulator ng pinaghihinalaang paglabag ng seguridad ng data kung saan kami legal na inaatasan.

Sa katunayan, habang gagamitin namin ang lahat ng makatuwirang pagsisikap upang panatilihing ligtas ang iyong personal na data, sa paggamit ng site, kinikilala mo na ang paggamit ng internet ay hindi lubos na ligtas at dahil sa kadahilanang ito ay hindi namin magagarantiyahan ang seguridad o integridad ng anumang personal na data na inilipat mula sa iyo o papunta sa iyo sa pamamagitan ng internet. Kung mayroon kang anumang partikular na alalahanin tungkol sa impormasyon mo, mangyaring kontakin kami gamit ang mga detalye sa ibaba.


Mga bata at pagkakaroon ng bisa ng pahintulot

Sa mga sitwasyong kailangan naming kumuha ng pahintulot mula sa sinumang user, magsasagawa kami ng mga makatuwirang hakbang upang alamin kung ang user ay nasa edad na 16 at mas matanda, at kung ang bata ay sapat na may kaalaman upang magbigay ng wastong pahintulot. Kung ang user ay mas bata sa 16 na taong gulang, kailangan ang pahintulot ng magulang upang magbigay ng pahintulot sa pagproseso ng anumang personal na impormasyon.

Ang bawat user, kabilang ang mga bata, ay magkakaroon ng bukod-tanging username at password. Ang mga password na kaugnay ng mga username ay unang itatakda ng administrador ng platform o random na gagawin. Kailangang baguhin ito ng mga user sa unang beses nilang pag-access. Sa kadahilanan ng pagkapribado, ang mga password ay iiimbak sa encrypted na anyo sa VLE database, upang walang pagkakataong mabasa ito ng mga researcher ng Proyektong ISOTIS o ng mga administrador ng platform, tangi lamang ang pag-reset nito ayon sa hiling ng user. Ang pag-reset ng password, na malayang mapamamahalaan ng mga user, ay may kaugnay na pagpapadala ng espesyal na link sa email address ng user. Sa kaso ng paglikha ng maraming account na kaugnay ng isang email address, ang pamamaraan sa pag-reset ng password ay pamamahalaan ng taong awtorisadong i-access ang email account na iyon (karaniwan ay isang guro). Tandaan na, sa kaso ng mga account na pinamamahalaan ng isang tao, sisiguruhin naming ang panghuling may-ari ng account ay ang tanging aktuwal na may alam sa username at password nito. Ayon sa nakasaad sa itaas, ang bawat user, adulto o bata, ay papipiliin ng bagong password makalipas ang unang pinatunayang access sa platform, upang ang mga dating ipinadalang password ay mawawalan na ng bisa.


Ano ang iyong mga karapatan?

Sa ilalim ng General Data Protection Regulation, mayroon kang ilang walang-bayad na mahahalagang karapatan. Sa buod, kasama dito ang mga karapatan:

● na mag-opt-out anumang oras kung ayaw mo nang imbakin sa aming mga server ang iyong impormasyon

● sa patas na pagproseso ng impormasyon at pagiging transparent sa kung paano namin gagamitin ang iyong personal na impormasyon

● sa access sa personal mong impormasyon at sa ilan pang karagdagang impormasyon na para rito ay idinisenyo ang Abisong ito sa Pagkapribado upang tugunan

● na atasan kaming itama ang anumang mga mali sa impormasyon mo na hawak namin

● na iatas ang pagbubura ng personal na impormasyon patungkol sa iyo sa ilang mga sitwasyon

● na tanggapin ang personal na impormasyong tungkol sa iyo na inilaan mo sa amin, sa nakaayos, karaniwang ginagamit at madaling madalang pamamaraan.

● tanggihan ang ilang sitwasyon sa patuloy naming pagproseso ng personal mong impormasyon

● kung hindi, limitahan ang pagproseso namin ng iyong personal na impormasyon sa ilang sitwasyon

● mag-claim ng bayad-pinsala dulot ng aming paglabag ng anumang mga batas sa proteksiyon ng data

Para sa higit pang impormasyon sa mga karapatang iyon, kabilang ang mga sitwasyon kung saan mailalapat ang mga ito, tingnan ang Information Commissioner's Office (ICO) ng UK para sa mga karapatan ng indibiduwal sa ilalim ng General Data Protection Regulation (http://ico.org.uk/for-organisations/guide-to-the-general-data-protection-regulation-gdpr/individual-rights/)

Kung gusto mong isagawa ang alinman sa mga karapatang ito, mangyaring:

● padalhan kami ng email

● pahintulutan kaming magkaroon ng sapat na impormasyon upang masiguro na ikaw nga ito at hindi ibang tao, na humihiling ng data (username at kaugnay na email)

● ipaalam sa amin ang impormasyon kung saan nauugnay ang kahilingan mo

Kailangan mo ba ng karagdagang tulong?

Kung gusto mong makita ang patakarang ito sa ibang anyo (halimbawa: audio, malaking print, braille), mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang e-mail address sa ibaba.

Paano maghahain ng reklamo

Umaasa kaming malulutas namin ang anumang tanong o alalahanin na ibabangon mo tungkol sa paggamit namin ng iyong impormasyon.

Ang General Data Protection Regulation ay nagbibigay din sa iyo ng karapatang magsampa ng reklamo sa namamahalang awtoridad, sa partikular, sa estado ng European Union (o European Economic Area) kung saan ka nagtatrabaho, karaniwang nakatira o kung saan ang anumang pinaghihinalaang paglabag sa mga batas sa proteksiyon ng data ay naganap. Ang namamahalang awtoridad sa UK ay ang Information Commissioner na maaaring makontak sa https://ico.org.uk/concerns/ o sa telepono sa: 0303 123 1113.



Mga pagbabago sa patakaran sa pagkapribado

Ang patakaran sa pagkapribado na ito ay nilathala noong30/05/2018at huling in-update noong30/05/2018.

Maaaring paminsan-minsan ay baguhin namin ang patakaran sa pagkapribadong ito. Aabisuhan namin ang lahat ng user sa anumang mga pagbabago sa pamamagitan ng email (kung nag-opt in ka para makatanggap ng mga email); sa pamamagitan ng abiso sa website header; sa pamamagitan ng abiso sa seksyon ng balita sa website.


Makipag-ugnayan sa amin

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa patakarang ito o sa impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng:

e-mail:privacy@isotis.org

Ang pangunahing taong maaaring kontakin si Dr. Andrea Mangiatordi, na nakabase sa University of Milano-Bicocca, piazza dell’Ateneo Nuovo 1, 20126 Milan - Italy.