1 - Two languages are better than one!

                                 

Espanyol si Pablo at nakatira sa London. Araw-araw, paglabas niya sa paaralan, binabati niya ang kanyang ina sa Espanyol at nagpapaalam siya sa mga kaklase niya sa Ingles.
Pablo: Hi (sa Espanyol). Hi (sa Ingles)
Nakakapagsalita si Pablo ng dalawang wika.
Natatakot ang ina ni Pablo at ang kanyang guro na hindi matututunan ni Pablo ang dalawang wika nang sabay.
Guro at Ina: Maayos ba niyang matututunan ang dalawang wika?
Noong nakaraan, pinaniniwalaan na pinababagal ng pagsasalita ng dalawang wika ang pag-unlad ng mga bata. Ngayon, napatunayan na ng siyensiya na ang mga batang nagsasalita ng dalawang wika ay may kakayahang matukoy ang dalawa nilang wika. 
Maraming superpower si Pablo! Madali siyang nakakalipat mula sa Espanyol papuntang Ingles depende kung sino ang kausap niya. Ama: Gusto mo ba ito? (Sa Espanyol)Pablo: Oo (Sa Espanyol). Pedro, gusto mo? (Sa Ingles)Pedro: Oo (Sa Ingles)
Hindi lang sa kaya niyang makipag-usap sa dalawang wika, mabilis ding umayon ang pag-iisip niya at mahusay sa pagtutok ng atensiyon niya nang hindi nalilito ng impormasyong hindi mahalaga.
Tulad ni Pablo, sina Mohamed, Xuexue at lahat ng batang nagsasalita ng dalawang wika ay may mga superpower na ito, alinmang dalawang wika ang nasasalita nila!
Mohamed: Paru-paro (sa Ingles/sa Arabic)Pablo: Paru-paro (sa Ingles/sa Espanyol) Xuexue: Paru-paro (sa Ingles/sa Chinese).
Naka-program ang mga utak nila na magsalita ng dalawang wika, tulad ng utak ng karaniwang tao. 
Ang pagsasalita ng dalawang wika ay hindi na bago, sa totoo ay dati na itong nangyayari. Mahigit sa kalahati ng populasyon ng mundo ay nagsasalita ng hindi bababa sa dalawang wika. 7,000 wika ang sinasalita sa buong mundo. Nangangahulugan ito na sa average ay may 36 na wika sa bawat bansa.
Ang pagiging multilingual ay pangkaraniwan na, hindi ito kakaiba! 
Ang paglaki na nagsasalita ng dalawang wika ay pangmatagalang investment! Ang mga batang tulad nina Pablo, Mohamed at Xuexue ay makakaranas ng mga superpower at kapaki-pakinabang na epekto sa buong buhay nila! 

       
Kailan huling binago: Monday, 27 May 2019, 10:59 AM