2 - Paano naiimpluwensiyahan ng dalawang wika ng mga bilingual na bata ang isa't isa

Mas mabuti ang dalawang wika kaysa sa isang #2. Paano naiimpluwensiyahan ng dalawang wika ng mga bilingual na bata ang isa't isa

Lahat ng bata ay natututo kung paano magsalita nang paunti-unti at sa parehong paraan. Gayunman, ang mga batang nagsasalita ng dalawang wika ay kailangang matuto ng dalawang wika nang sabay.

Marie: Nanay (sa Pranses)

Ahmad: Nanay (sa Pranses). Nanay (sa Arabic)

Mei: Nanay (sa Pranses). Nanay (sa Chinese)


Sa mga utak nila, ang dalawa nilang wika ay hindi lubos na hiwalay, pero nakikipag-interaksyon ang mga ito sa isa't isa. May 5 pangunahing klase ng interaksiyon sa pagitan ng dalawang wika ng mga batang nagsasalita ng dalawang wika.

Ang unang klase ay tinatawag na code switching.

Nangyayari ang code switching kapag may sinabi ang isang tao na isang pangungusap sa isang wika at susundan ito ng isang pangungusap sa ibang wika. Nangyayari din ito kapag tinanong si Ahmad ng tanong sa isang wika at sumagot sa ibang wika.

Ahmad: Maligayang bati sa iyong kaarawan! (sa Pranses) Pagbati! (sa Arabic)  Nagustuhan mo ba ang regalo? (sa Pranses)

 Nour: Oo! (sa Pranses)

Ahmad: Magaling! (sa Arabic)

 

Ang pangalawang interaksyon sa pagitan ng mga wika ay tinatawag na code mixing. Nagaganap ang code mixing lapag gumamit si Liang ng paisa-isang salita sa Chinese habang nagsasalita ng Pranses. 

Ang katotohanan na ang mga batang nagsasalita ng dalawang wika ay naghahalo ng dalawang wika ay hindi nangangahulugan na nalilito sila.

Bo: Puwede ba ako humingi ng (sa Pranses) mansanas (sa Chinese)?

Ina ni Bo: Oo (sa Chinese), siyempre! (sa Pranses)


Ang pangatlong klase ng impluwensiya ng isang wika sa kabila ay tinatawag na delay. Kailangan ni Ahmad ng marami pang oras para matutunan ang dalawa niyang wika, kumpara kay Marie na Pranses lang ang sinasalita. Ang totoo ay mas kaunting Pranses sa salita ang alam ni Ahmad kaysa kay Marie. Gayunman, kung isasaalang-alang natin ang mga pinagsamang salitang alam ni Ahmad sa Arabic at Pranses, mas marami siyang salitang alam kaysa kay Marie! 

Marie: Oo, Nanay, Tatay, Mansanas (sa Pranses)

Ahmad: Oo, Nanay (sa Pranses), Tatay, mansanas, Casa (Sa Arabic).. 

 

Ang ika-4 na interaksiyon ay tinatawag na akselerasyon. Ang pag-aaral ng mga batang nagsasalita ng dalawang wika ng wika ay maaaring mas mabilis kaysa sa sa mga kaedad nila na iisang wika lang ang sinasalita. Halimbawa, mas handa si Bo na matuto kung paano magbasa kaysa kay Marie dahil sanay siyang makakita ng mga text na nakasulat sa mga Chinese character at mga ibang text na nakasulat sa mga letra mula sa alpabetong Pranses.

Ang huling klase ng impluwensiya ay tinatawag na transfer. Maaaring i-transfer ng mga batang nagsasalita ng dalawang wika ang ilang elemento na karaniwan sa isang wika papunta sa kabila. Sa ilang kaso, maaaring magdulot ito ng mga kamalian. Halimbawa, maaaring minsan ay sabihin ni Pablo ang “he” sa halip na “she” dahil sa Espanyol, karaniwang hindi niya kailangang ipahiwatig ang subject.

Pablo: “Nakakatawa siya”.

 

Sa ibang kaso, maaaring may mga positibong resulta ang transfer. Halimbawa, ang kakayahang magbasa sa Espanyol ay makakatulong kay Pablo na makapagbasa ng mas mahusay sa Ingles! Para isuma, ang dalawang wika ng mga batang nagsasalita ng dalawang wika ay may interaksyon sa isa't isa. Madalas ay pinakamainam ito, pero minsan ay maaaring magresulta ito sa kamalian. Huwag mag-alala: normal ang mga kamaliang ito at sa pangmatagalan, nawawala na lang ito!

Mga guro: Huwag mag-alala!





Kailan huling binago: Monday, 10 June 2019, 11:40 AM