8 - Not only dinosaurs get extinct! How can we prevent the variety of languages from disappearing?
HINDI LANG ANG MGA DINOSAUR ANG NAGIGING EXTINCT! PAANO NATIN MAIIWASAN NA MAWALA ANG IBA'T IBANG WIKA?
Ipinanganak si Michael sa Italya. Ang mga magulang niya ay mula sa Pilipinas at nag-uusap gamit ang Tagalog, pero nagpasya silang kausapin siya gamit lang ang Italyano para maiwasang mahirapan siya sa mga ibang bata.
Nanay ni Michael (sa Tagalog): Kakarating lang ni Michael
Tatay ni Michael (sa Tagalog): Magaling!
Tatay ni Michael (sa Italyano): Masayang pag-uwi!
Nanay ni Michael (sa Italyano): Kumusta sa eskuwelahan?
Nakakaintindi si Michael ng Tagalog, pero hindi siya nagsasalita nito.
Nanay ni Michael (sa Tagalog): Gusto mo pa ba?
Tatay ni Michael: Oo pero kaunti lang
Michael (Sa Italyano): Ako din!
Minsan, sa lubusang magkakaibang dahilan, may ilang wika na isinasantabi at pinipili ng mga magulang na hindi ipasa sa mga anak nila[a1] . Ang prosesong ito, sa pangmatagalan, ay banta sa linguwistikong pagkakaiba-iba sa ating planeta.
(Sa mga ibang wika): Hi.
Mahigit sa 7,000 wika ang sinasalita sa buong mundo.
Ang pinakamalawak ay ang Mandarin Chinese, Hindi-Urdu at Ingles, Espanyol at Arabic.
Ang karamihan sa mga wika sa mundo ay napaka-kaunti lang ang nakakapagsalita!
Chinese 902 milyon,
Hindi-urdu 457 milyon,
Ingles 384 milyon,
Espanyol 366 milyon,
Arabic: 254 milyon,
Tagalog: 23 libo
Dyirbal: 28 kalalakihan
4% ng populasyon ng mundo aang nagsasalita ng 60% ng mga wika sa buong mundo!
Maraming wika ang nasa peligrong mawala. Tulad ng mga hayop o halaman, ang wika ay hindi naman biglaang nawawala pero unti-unti.
Ang dami ng sitwasyong kung saan ito ginagamit ay nababawasan: halimbawa, una, ang isang wikang ginagamit kapwa sa tahanan at sa paaralan ay sa kalaunan ay ginagamit na lang sa tahanan.
Kung hindi naman, ang bilang ng nagsasalita ay kumakaunti: sa paglipas ng panahon, ang wika ay hindi na itinuturo sa mga bata na, malamang, ay mauunawaan pa rin ito pero hindi na makakapagsalita nito.
O para sa mga pulitikal na kadahilanan: sa ilang makasaysayang panahon, tulad ng colonial period sa South America at Africa o paglikha ng mga bansa sa Europa, maraming wika ang inabandona, habang ipinatupad ang Ingles o Espanyol. Klallam*, isang American Indian na wika, ay itinuturing na extinct nang wika.
Klallam na babae (sa Kallam): mundo
Klallam na lalaki (sa Kallam): buwan
Klallam na babae (sa Ingles): mundo
Klallam na lalaki (sa Ingles): buwan
Lahat ng wika ay mahahalagang kasangkapan para sa pakikipag-ugnayan at pag-unawa sa kultura ng mga taong nagsasalita nito. Si Aga, na nagsasalita ng Greenlandic at nakatira sa North Pole, ay maraming alam na salita sa wika niya para tukuyin ang snow. Halimbawa, ang "qanipalaat" ay nagsasalarawan sa malambot na snow na nahuhulog at ang "apusiniq" ay tumutukoy sa snowdrift. Sa karamihan ng ibang wika, iisa lang ang salita!
Aga (sa Greenlandic): Malambot na snow
Aga ( sa Greenlandinc): snowdrift
Paano natin maiingatan at mapoprotektahan ang mga wika sa mundo, tulad ng pagprotekta natin sa mga halaman, ecosystem at uri ng hayop?
Una sa lahat, sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagpapasa ng lahat ng wika at diyalektong alam natin sa ating mga anak at mga apo.
Nanay ni Michael (sa Tagalog): Kumusta sa eskuwelahan?
Michael (sa Italyano): Maganda ang araw ko sa paaralan
Guro ni Michael (Sa Italyano): Salamat
Tatay ni Michael (sa Tagalog): Kumusta!
Ikalawa, sa pamamagitan ng pagsasalita ng lahat ng wikang alam natin, paglalaan ng lugar, panahon at angkop na sitwasyon para sa bawat wika.
Ang batang ipinanganak sa magulang na nagsasalita ng iisang wika ay maaaring matuto ng ibang wika. Ang pag-aaral ng mas maraming wika ay nagdudulot ng mas mayamang karanasan sa mundo: mas maraming salita para sa pag-uusap, mas maraming taong kakausapin at pakikinggan.
Paul: ‘Makakausap ko ang kaibigan kong Indian!’
Marie: ‘Nakakaintindi ako ng Arabic’
Andreas: ‘Nag-aaral ako ng Chinese’
Mas maganda sana kung makakapagsalita si Michael ng Tagalog nang maayos, pati na rin ng Italyano at baka pati Ingles! Sa ganitong paraan, makakapag-ambag din si Michael sa pag-iingat sa kaniyang mga wika at sa linguwistikong pagkakaiba-iba sa mundo!
Michael: Nagsasalita ako ng Tagalog, Ingles at Italyano